Monday, November 30, 2009

Global Warming (climate change)

Ang buong mundo kabilang ang ating bansang Pilipinas ay dumaranas ng isang malaking suliranin, at ito ang Global Warming kung saan ang ating atmosphere ay mabilis umiinit na nagdudulot sa pagbabago ng ating klima (climate change) na siyang dahilan ng mga kalamidad na ating tinatamasa sa kasalukuyan.

Bigla kong naalala ang isang kwento sa bibliya. Maraming tao ang hindi naniniwala sa kwentong ito pero hindi namin layunin na baguhin o ibahin kung ano man ang inyong pinaniniwalaan. Ang sa amin lamang ay maidugtong o maipaalala na ang bibliya ay sinusuportahan ng syensya sa ibang pamamaraan. Ang tinutukoy kong kwento ay ang Noa`s Flood o ang dakilang baha, na kung saan umulan ng apatnapung araw (40 days) at ito ang nagdulot sa pagkasawi nang mga tao sa nakaraang panahon.

Ito ang nakasaad sa Genesis 6:5 (tagalong)

"Nakita ni Yahweh na labis na ang kasamaan ng tao at wala na itong iniisip na mabuti at ang kanilang puso ay puno nang kasamaan. Kaya`t ikinalungkot niya ang paglalang sa tao. sinabi nya “lilipunin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipunin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Bakit ko ba nilalang ang mga ito.”

At Genesis 6:5 (English)

"When the Lord saw how wicked everyone on earth was and how evil their Thoughts were all the time, and their heart is pure of evil he was sorry that he had ever made them and put them on the earth. He was so filled with regret that he said, “I will wipe out these people I have created, and also the animals and the birds, because I am sorry that I made any of them.”

Kung pag-aaralan nating mabuti at iuugnay sa ating kasalukuyang panahon. Ang dakilang baha ay naganap dahil ang mga tao ay wala nang iniisip na mabuti (thoughts) at ang kanilang puso ay puno na ng mga kasamaan. Samakatuwid ang dakilang baha ay hindi kagustuhan ng Diyos bagkus ito`y kagustuhan nang mga tao. At ang mga tao rin mismo ang may likha o may gawa ng dakilang baha dahil sa kanilang labis na kasamaan at sa ating kasalukuyang panahon, hindi kaya ito ang UGAT NA DAHILAN ng mga kalamidad na ating tinatamasa sa kasalukuyan.

At sinabi pa na, ang kanilang puso ay puno ng mga kasamaan at ito`y nilinaw sa Marcos 7:14-22

Muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin. Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakakapag parumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang nag mumula sa kanya(thoughts, words, feelings, & actions)

Iniwan ni Hesus ang mga tao; at nang makapasok na siya sa bahay ay tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga; wala rin ba kayong pang-unawa? Sabi ni Hesus “hindi nyo ba alam na hindi ang pagkain ang nagpaparumi sa tao; sapagkat hindi ito pumapasok sa kanyang puso kundi sa tiyan pagkatapos ay idinudumi” “ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, kahalayan, pagkainggit, paninirang puri, kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at ito ang nagpaparumi sa kanya”

Noong Setyembre 26, 2009 ay nakaranas tayo ng isang pag-ulan na tumatak sa ating kasaysayan dahil sa malaking pinsala na idinulot nito at ito ang bagyong ondoy. Ang bagyong ito ay umulan ng tuloy-tuloy na humigit kumulang siyam na oras (9 hours) na syang nagpalubong sa gitnang luzon at sa karatig na bayan at hindi pa man lumalabas sa ating bansa ang bagyong ondoy ay may paparating nanamang bagyo at pinangalanan itong bagyong pepeng. Ang bagyong ito ay nagdala sa atin ng malaking pinsala lalo na sa mga taga hilagang Luzon. Maraming kuro-kuro o sabi-sabi kung bakit lumubong ang buong Luzon sa baha na dulot ng kambal na bagyo ngunit kung ano man iyon, hindi na natin ito pahahabain pa. Ang sinasabi ng mga dalubhasa ukol dito ay may isang ugat sa lahat kung bakit ito nangyayari satin at ito ay dulot ng tinatawag na climate change na sanhi ng malawakang global warming.

Kung ito`y may katotohanan, napakalinaw na ang may gawa ng mga kalamidad na ating tinatamasa sa kasalukuyan ay gawa nating mga tao. Ano ang aming sinasabi? Sinasabi namin na ang ating mundong tinitirhan ay masyado na nating inaabuso. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang mga bagay na ginagawa nating mga tao kung papano natin ina-abuso ang ating Inang Kalikasan. Alam na natin ang mga bagay na ito; kahit alam na nating makakasira at makaka-apekto ng masama sa ating kalikasan ay nagpapatuloy pa rin tayo. Sa larangan ng syensya sa ngayon, pinatunayan na hindi lamang, ang ating mga pisikal na pang-aabuso ang nagdudulot o ang sanhi ng Global Warming bagkus kanilang pinatunayan na maging ang ating Kaisipan o kung papano tayo mag-isip (thought form) ay may malaking epekto sa ating kalikasan at dito sumusuporta ang talata sa bibliya sa panahon ng dakilang baha. (Gen. 6:5)

Aming hahatiin ang mga kalamidad sa dalawang factors kung bakit ito nangyayari sa atin.

1) Normal Calamities o Natural Calamities – kung saan ang mga kalamidad ay normal na nagaganap base sa kanilang natural structure o ang kanilang natural na pag-eevolve sa mundong ibabaw.

2) Abnormal Calamities – kung saan ang mga kalamidad ay abnormal na nagaganap ay ito`y base sa ating mga nakaraang aksyon o mga maling desisyon sa nakaraan. (wrong thoughts, words, & deeds) at minsan ito`y tinatawag rin na Psycological Calamities.

Sa Normal Calamities ay wala tayong magagawa dahil ito ang itinakda ng panahon at ng kalikasan at ito`y tinutukoy minsan ng mga relihiyosong tao bilang kagustuhan ng maykapal ngunit sa Abnormal Calamities o Psycological Calamities ay malaki ang ating magagawa sa mga kalamidad na ating kahaharapin sa hinaharap dahil tayo mismo ang may gawa o may likha ng mga ito kaya tayo ring mga tao ang may karapatan upang hindi ito maganap o mangyari sa atin. Sa ngayon alam na natin ang mga ibat-ibang hakbangin upang malabanan ang global warming sa pisikal na pamamaraan o sa pamamagitan ng pagkilos at pag-gawa, at tayong lahat ay aware na sa mga bagay na ito. Ngayon aming ihahayag kung papano natin lalabanan ang Global Warming na dulot ng psychological calamities na syang mas mabilis magmanifest o mag-resolba kesa sa mga pisikal na pag-aksyon.

Sinasabi na para malabanan ang mga kalamidad na dulot ng mga negatibong pag-iisip(negative thought form) ay dapat lang nating baliktarin ang polarity upang ma-neutrilize ang mga ito. Tignan ang litrato sa kanang bahagi. Dapat lang mag-balance ang negative at positive thought form upang magkaroon ngbalance ang ating ecosystem. Kapag may in-balance sa ating mundo dito nagaganap ang mga catastropiya na ating tinatamasa, at para maibalik natin ito sa tamang balance, ang sabay-sabay nating pagdama ng mga positive thoughts tuwing Alas-Otso ng Gabi (8 O`clock PM) ang siyang susi upang malabanan natin ang mga kalamidad na ating kinakaharap na dulot ng global warming at ito`y base sa pag-aaral ng mga siyentipiko.

Ang sabi ng ilang relihiyosong tao, ito`y kagustuhan ng may-likha. Nabanggit ko na noong una na ito`y hindi iniibig ng Diyos sapagkat hindi niya ito kinalulugdan sapagkat ang Diyos ay makatuwiran at mapagmahal na Diyos papano nya magagawa ang mga ito sa atin. Sa aklat ng karunungan ni Solomon ay malinaw na sinabi na ang kamatayan (death) ay hindi kagustuhan ng Diyos (karunungan ni Solomon 1:12-13).

"Huwag ninyong hanapin ang inyong kamatayan sa pamamagitan ng mga masasamang gawa. Huwag kayong sumuong sa kapahamakan na kayo rin ang may gawa. Ang kamatayan ay hindi likha ng Diyos"

Kaya hindi makatuwiran na sabihin o isipin man lang natin na ang mga kalamidad na ating tinatamasa ay kagustuhan ng Diyos. Isang kalamidad na maraming buhay ang namamatay, isang kalamidad na maraming inusenteng tao ang nadadamay. napaka-linaw na ito`y kagustuhan nating mga TAO at ito ang ating piniling landas ayon na rin sa freewill na ibinigay sa atin ng Diyos.

Ngayon amin kayong iniimbitahan upang tumulong upang ibalik ang balanse ng ating ecosystem, kelan pa tayo kikilos kung hindi ngayon, kapag huli na ang lahat, kapag ang 50% ng buong Pilipinas ay lubog na sa tubig baha? Kapag marami ng mga namamatay? Kapag marami nang nagugutom? Kelan pa? ang hinihingi lamang namin ay 7 minuto ng inyong oras. Tandaan nyo na noong bagyong ondoy ay umulan ng walang patid sa loob ng 9 na oras. Paano kaya kung ang ulan na dulot ng climate change ay umabot ng isang araw, o isang linggo, o isang buwan? Isipin nyo nalang ang magiging dulot nito sa atin kung tumagal ang ulan ng ganito katagal, na tayo rin mismo ang may gawa.

Muli, kayo narin mismo ang mag-isip ukol sa mga kalamidad na ating kinakaharap sa kasalukuyan at muli ang inyong hangarin na tumulong sa ating suliranin ukol sa global warming ay napakalaking bagay para sa ating inang kalikasan upang maibalik natin ang balanse ng ating ecosystem. Ito`y sa loob lamang ng 7 minuto tuwing alas-otso ng gabi (8-8:07PM manila time)

Paalala:

Ang mga bible verses na inihayag ng aming grupo ay walang kaugnayan sa anumang grupong pang-relihiyon. Ito`y iniugnay lamang namin upang mabigyan linaw na ang climate change ay gawa ng tao at ito`y hindi kagustuhan ng may-kapal. Hindi namin layunin na baguhin ang doktrina ng ibang grupong pang-relihiyon at sariling paniniwala ng mga tao ukol dito.

No comments:

Post a Comment