Monday, November 30, 2009

Heredity



Ayon sa Science Dictionary, ito ang proseso sa pagpapasa ng characteristics ng magulang mula sa isang henerasyon patungo sa susunod na henerasyon

Ang Law of Heredity ay natuklasan ni Sir Mendel Gregor (1822-1884) isang Austrian Monk, Botanist at Biologist at ayon sa kanyang natuklasan na ito`y nahahati sa 4 na kategorya:

1) Law of Dominace

2) The Law of Unit Characters

3) The Law of Segregation

4) The Law of Independent Assortment

At di kalaunan ito`y nakilala bilang Mendelian Laws of Heredity

Sa loob ng katawan ng bawat living organism ay mayroon tayong makikitang

tiny rod-shaped bodies na ang tawag ay chromosomes at sa loob nito ay mayroon pang makikita na tiny bodies at ito ang genes (jeenz). Itong bodies na ito ang syang nagdadala sa atin ng mga katangian n gating pagkatao mula sa pisikal na katangian, pag-uugali, at estado n gating kalusugan

Ano ang magagawa ng meditation sa ating Genes?

Pinatunayan nang ating modernong syensya na ang meditation ay may malaking nagagawang tulong sa atin mula sa pisikal, mental, emosyonal, at maging espirituwal; dahil ang pagsasagawa ng meditation 15/day ay nakaka-apekto sa ating blood stream kung saan linilinis at pinu-purify nito ang ating dugo at buong katawan hanggang umabot ito sa ating genes na kung saan ang mga namana natin sa ating mga ninuno na hindi maganda tulad ng mga karamdamang mahirap gamutin tulad asthma, diabetis, skin diseases at iba pa.

Kung ganun, paano nito mababago an gating pisikal na katauhan o itsura?

Dahil alam na natin na ang meditation ang syang designer o nagde-design ng ating genes structure at pagkatao, kaya rin natin baguhin an gating itsura o mga katangian sa pamamagitan at tulong ng Creative Visualization Technique. Karamihan ng mga busunessman o mga taong sumasabak sa sales ay alam ang pamamaraan na ito, kung ginagamit nila sa kanilang business, bakit hindi natin i-apply at gamitin.

Kung pakiramdam nyo ay may nais kayong baguhin o putulin, upang sa mga susunod na henerasyon ay iba na ang inyong lahi o pisikal na itsura. Kadalasan ang nagsasagawa nito ay mga babaeng nag-dadalang tao o buntis. Pinapasok nila o binabaon sa kanilang sinapupunan ang mga katangian na nais nilang magkaroon sa pamamagitan ng creative visualization.

Marami nang tao ang sumubok at nagpatunay sa kapangyarihan ng meditation at halos lahat sila ay nakakuha ng mga positibong resulta. Ito rin ang sinasabi ng mga matatanda na pinaglilihian o napag-lilihian, ang teyoryang ito ay pumapasok sa prinsipyo ng C.V. Technique

Marami pang mga pamamaraan na dapat nating isa-alang-alang ang mga nagnanais na baguhin ang kanilang henerasyon. Ang aming nabanggit ay isang basic rules pa lamang

Kung kayo`y interesado sa aming nabanggit, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa aming tanggapan upang aming maibahagi sa inyo ang mga kaukulang pagsasagawa ng Cultured Technique na ito.

Agimat

Agimat

Sa lalawigan ng Cavite at sa buong Pilipinas mapa-Luzon, Vizayas at Mindanao man ay kilalang kilala ang tinatawag na Agimat, Anting-Anting, o Talisman. Sinasabi nila na kapag meron ka nito ay magkakaroon ka ng kakaibang lakas o Kapangyarihan tulad ng mga super heroes tulad ni superman, batman, wonder woman at iba pang mga local heroes tulad nila darna at ni captain barbel ngunit ano nga ba ang kakaibang taglay ng mga agimat na ito at marami sa ating mga kapwa Pilipino ang nahuhumaling pagdating sa usapin na ito.

Sinasabi ng mga dalubhasa sa antropolohiya na ang ganitong kultura ay nang-mula sa mga dayuhang espanyol na siyang sumakop sa atin ng may higit tatlong daang taon. Ngunit binigyang diin rin nila na tayong mga Pilipino ay may sariling kultura ukol sa usapin na ito, na ang ibig sabihin ay kahit hindi tayo nasakop ng mga dayuhang kastila ay nagtataglay tayo ng mga ganitong kultura at sa ngayon makikita pa natin ang mga ito sa ating mga katutubong pilipino na syang may ganitong kultura magpahanggang sa ngayon ngunit maging sa ating modernong panahon ay laganap pa rin ito lalo na noong ika-walong siglo. Maraming mga pilipino ang mga nagpa-laganap nito, nandiyan sila Francisco Demetrio, Demetrio Sibal at Sabino Melencio na mga Pilipinong Mistiko na nagpalaganap sa buong Pilipinas at kinikilala sila sa kanilang kontribusyong nagawa.

Sino nga bang tao ang hindi mahihikayat sa usaping ito, sapagkat may magkakaroon ka ng kapangyarihan upang hindi ka tablan ng anumang sandata tulad ng mga patalim, mga matutulis na bagay o maging bala ng anumang armas, may kapangyarihan ka ring kontrolin ang iyong kapaligiran tulad ng pagkontrol sa panahon o maging pag-kontrol sa tao at may kakayahan ka ring makapang-gamot ng may sakit. Base sa aking ekperyensya sa larangang ito ay masasabi kong walang katotohanan ang mga ito sa totoong buhay sapagkat sa ating modernong panahon ay matutukoy na natin ang totong kaganapan kung bakit ito nangyayari at ang lahat ng mga ito ay nang dahil lamang sa isang katangian, ang katangian ng ating pag-iisip. (thought form) Kung papano at kung ano ang ating iniisip ang siyang nagiging resulta ng mga kakaibang epekto sa ating buhay.

Ito`y napatunayan ng ating modernong syensya na ang ating Kaisipan (thought) ay isang enerhiya at sinasabi pa na kung saan mo ibaling ang iyong pag-iisip ay sumusunod o gumagalaw ang enerhiya papunta sa iyong iniisip. Samakatuwid ang mga medalyon o mga bagay na kanilang ginagamit na sinasabi nilang may sariling buhay ay sa katotohanan ay isang ordinaryong bagay lamang at ang tunay na nagdadala ng kakaibang resulta nito ay kung papano mag-isip ang may hawak nito.

Dahil alam na natin na ang may dulot nito ay kung papano tayo mag-isip, kahit sinumang tao ay may kakayahan magkaroon ng mga ganitong katangian. Sinasabi nga ng isang talata sa santa bibliya na sinabi ng Kristo na “ang lahat ng nagawa ko ay magagawa Ninyo at mas higit pa sa nagawa ko” ito`y patunay lamang na maging ang kristo ay alam nya na ang ating kaisipan ang syang makakagawa ng mga tinatawang na himala sa ating buhay.

May isang matandang kasabihan ukol dito na sinasabi na “ang sinumang may alaga ng agimat o anting-anting ay bibigat ang kanyang pamumuhay, mamalasin o mailap ang swerte sa kanyang buhay” kung totoo man ito o hindi ay labas na sa usaping ito pero ang nais lamang namin sabihin ay ganito: “kung naghahanap tayong mga Pilipino ng mga kakaibang katangian o abilidad na mula sa mga agimat, anting-anting o talisman, bakit hindi nalang natin ito ibaling kung papano natin maiaangat ang ating buhay.”

Sa tingin nyo kaya mas mahalaga na magkaroon ka ng kakaibang lakas pang-pisikal o may abilidad ka para malabanan ang sakit o karamdaman. Mas mahalaga ba na hindi ka tablan ng anumang sandata o magkaroon ka ng kakayahang matupad ang iyong mga Pangarap at Ambisyon sa buhay. At ang mga ito ay tinuturo namin ng praktikal at hindi puro usapan lamang. Ang aming tinuturo na agimat ay mula sa ating mga puso, kung papano mapaunlad ang ating pamumuhay, tuparin ang mga pangarap at ambisyon sa ating buhay, maging malusog at mailayo sa sakit at karamdaman, maging masagana sa buhay, maging matagumpay sa sa hamon ng buhay at makamit ang kapayapaan ng kaisipan.

Paalala:

Ito ay batay sa experience ng may akda ukol sa usaping ito. Hindi layunin ng may akda na sirain ang mga grupong nasa ganitong larangan ngunit linilinaw lamang ng may-akda at inihahayag sa publiko na ang mga ito ay galing mismo sa atin at hindi galing sa mga bagay na ating ginawa o nakuha. Ito`y natural human faculties ng lahat ng tao.

There`s a Reason

May Rason

Ang lahat ng bagay sa mundong ibabaw ay may rason kung bakit nag-exist. Maging tayo man, ay may dahilan kung bakit tayo nabuhay at ipinanganak sa mundong ito. Ngunit karamihan sa mga tao na nabubuhay sa mundong ito ay tumatanda at pumapanaw nang hindi nila nalalaman kung bakit sila nabuhay. Ang sabi nga sa isang kasabihan na “ang Diyos ay hindi gumawa nang wala sa kanyang plano” na ang ibig sabihin nito`y lahat tayo ay may dahilan kung bakit tayo nandito sa mundong ito. Ang mga tao sa ating paligid, nakakasalamuha, nakikilala, maging ang ating mga magulang at mga anak ay kasama sa kwento ng ating buhay at maging ang mga taong nakikilala natin sa internet at mga website na ating binibisita. Ang lahat ng mga ito ay may dahilan. Sa una, hindi natin ito nakikita pero kung ating pag-aaralan ang mga bagay na ito na dumarating sa ating buhay ay konektado pala.

Lahat ng dumadating at nangyayari sa ating buhay, kaaya-aya man ito o hindi ay kasama sa kwento ng ating buhay. May ilang tao akong nakausap at sila`y nagtatanong kung bakit ganito o ganun ang takbo ng kanilang buhay. Sinasabi nila na bakit may mga ipinanganak na mayaman at maganda ang estado ng kanilang pamumuhay samantalang sila`y hindi. Ang iba naman ay ipinanganak na sakitin o may kapansanan. Ganito raw ba talaga ang buhay, at kung talaga bang may Diyos, bakit hindi sya naging patas sa paglikha sa tao. Tayong mga mag-aaral ng mystical art o spirituality ay hindi kaila sa atin na sa mundong mapaglaro ay may dalawang batas, 1) ang Batas ng Diyos 2) ang Batas ng Tao. Alam natin na ang bawat batas ay dapat sundin o tuparin sapagkat kapag ating sinuway ito`y may karampatang parusang nag-aantay. Ang batas ng tao kapag ating nilabag ay may karampatang parusa at kalimitan sa paglabag natin dito ay minsan tayo`y napapawalang-sala ngunit ang batas ng Diyos, alam man natin ito o hindi kapag ating nilabag ay may kaukulang parusa na kahit sino o ano man ang iyong estado sa buhay ay iyong pagbabayaran at ito ang batas ng karma.

Dahil sa batas na ito, tayo ay napaparusahan dahil sa ating mga ginawang maling aksyon sa nakaraan at kalimitan ang pagharap sa parusa na ating nagawa at hindi kaya ng isang buhay lamang at minsan, ito ay ating pinagbabayaran ng daan-daan o libo-libong taon at ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi pare-pareho ang ating pamumuhay sa kasalukuyan. Ang batas ng karma ay hindi isang marahas na batas upang parusahan tayo bagkus ang batas na ito ay isang makatuwiran at patas na batas upang tayo ay matuto sa ating mga nagawang mali, maging ito man ay pagkakamali sa aksyong pisikal, o pag-gamit man ng ating kaisipan sa maling sitwasyon at pagkakataon. Dahil nga hindi natin kayang bayaran ng isang buhay lamang ang ating mga nagawang pagkakamali na dulot ng batas ng karma dito pumapasok ang isa pang espirituwal na batas at ito ang batas ng reinkarnasyon o ang muling pagkabuhay Maraming tao ang tutol sa batas na ito dahil kung totoo ang batas na ito ang lahat ng tao ay magiging immortal ngunit nakalimutan natin na tayo mismong mga tao ay may dalawang katauhan, ang lower at higher self. Ang ating lower self ang syang namamatay at bumabalik sa alabok na kung saan tayo nagmula at ang ating higher self ay syang immortal na syang may kakayahang mabuhay muli. At ito rin ang sinasabi na “ang laman ay ipapanganak sa laman, at ang espiritu ay ipapanganak sa spiritu”

At tayong mga Pilipino ay masuwerte sapagkat nasa bansa natin ang pamamaraan kung saan pwede narin baguhin ang ating buhay. Tandaan natin na ang mga “nararanasan natin sa ating buhay ay bunga lamang ng mga maling aksyon natin sa nakaraan” samakatuwid kung sa ngayon na binabasa mo ito at simulan mo nang magbago sa pamamagitan ng aming tinuturo sa loob lamang ng pitong minuto ay sinisigurado namin na ang inyong hinaharap ay mababago tungo sa positibong aspeto ng buhay. Sapagkat dumadama tayo ng mga positibong emosyon at ang resulta nito ang mga positibong pagyayari sa ating buhay na magaganap sa hinaharap.

Ang mga ito ay maraming benipisyo na hindi kayang ipaliwanag sa pamamagitan ng pananalita, amin lamang masasabi na ang pamamaraan na ito ay gumaganap bilang regeneration technique na siyang nagbibigay ng bagong kalakasan sa atin mula sa pisikal, mental, emosyonal at sa espirituwal na katauhan ng mga gumagawa muli tuwing alas-otso ng gabi ay sabay-sabay nating pakiramdaman ang mga positibong emosyon na ito kada-minuto; at ito ay Saya, Kapayapaan, Kaayusan, Sigla, Walang Hanggang Kabutihan, Kapangyarihan, Pagmamahal at Kabaitan. Aming mga kapatid, kayo`y aming iniimbitahan upang sumali sa pagbibigay ng Kabutihan ng lihim sa pagsasagawa ng Christ Devotion at minumungkahi rin namin kayo na ipamahagi o ituro sa inyong mga kakilala, kaibigan ang teknik na ito.

Global Warming (climate change)

Ang buong mundo kabilang ang ating bansang Pilipinas ay dumaranas ng isang malaking suliranin, at ito ang Global Warming kung saan ang ating atmosphere ay mabilis umiinit na nagdudulot sa pagbabago ng ating klima (climate change) na siyang dahilan ng mga kalamidad na ating tinatamasa sa kasalukuyan.

Bigla kong naalala ang isang kwento sa bibliya. Maraming tao ang hindi naniniwala sa kwentong ito pero hindi namin layunin na baguhin o ibahin kung ano man ang inyong pinaniniwalaan. Ang sa amin lamang ay maidugtong o maipaalala na ang bibliya ay sinusuportahan ng syensya sa ibang pamamaraan. Ang tinutukoy kong kwento ay ang Noa`s Flood o ang dakilang baha, na kung saan umulan ng apatnapung araw (40 days) at ito ang nagdulot sa pagkasawi nang mga tao sa nakaraang panahon.

Ito ang nakasaad sa Genesis 6:5 (tagalong)

"Nakita ni Yahweh na labis na ang kasamaan ng tao at wala na itong iniisip na mabuti at ang kanilang puso ay puno nang kasamaan. Kaya`t ikinalungkot niya ang paglalang sa tao. sinabi nya “lilipunin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipunin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Bakit ko ba nilalang ang mga ito.”

At Genesis 6:5 (English)

"When the Lord saw how wicked everyone on earth was and how evil their Thoughts were all the time, and their heart is pure of evil he was sorry that he had ever made them and put them on the earth. He was so filled with regret that he said, “I will wipe out these people I have created, and also the animals and the birds, because I am sorry that I made any of them.”

Kung pag-aaralan nating mabuti at iuugnay sa ating kasalukuyang panahon. Ang dakilang baha ay naganap dahil ang mga tao ay wala nang iniisip na mabuti (thoughts) at ang kanilang puso ay puno na ng mga kasamaan. Samakatuwid ang dakilang baha ay hindi kagustuhan ng Diyos bagkus ito`y kagustuhan nang mga tao. At ang mga tao rin mismo ang may likha o may gawa ng dakilang baha dahil sa kanilang labis na kasamaan at sa ating kasalukuyang panahon, hindi kaya ito ang UGAT NA DAHILAN ng mga kalamidad na ating tinatamasa sa kasalukuyan.

At sinabi pa na, ang kanilang puso ay puno ng mga kasamaan at ito`y nilinaw sa Marcos 7:14-22

Muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin. Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakakapag parumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang nag mumula sa kanya(thoughts, words, feelings, & actions)

Iniwan ni Hesus ang mga tao; at nang makapasok na siya sa bahay ay tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga; wala rin ba kayong pang-unawa? Sabi ni Hesus “hindi nyo ba alam na hindi ang pagkain ang nagpaparumi sa tao; sapagkat hindi ito pumapasok sa kanyang puso kundi sa tiyan pagkatapos ay idinudumi” “ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, kahalayan, pagkainggit, paninirang puri, kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at ito ang nagpaparumi sa kanya”

Noong Setyembre 26, 2009 ay nakaranas tayo ng isang pag-ulan na tumatak sa ating kasaysayan dahil sa malaking pinsala na idinulot nito at ito ang bagyong ondoy. Ang bagyong ito ay umulan ng tuloy-tuloy na humigit kumulang siyam na oras (9 hours) na syang nagpalubong sa gitnang luzon at sa karatig na bayan at hindi pa man lumalabas sa ating bansa ang bagyong ondoy ay may paparating nanamang bagyo at pinangalanan itong bagyong pepeng. Ang bagyong ito ay nagdala sa atin ng malaking pinsala lalo na sa mga taga hilagang Luzon. Maraming kuro-kuro o sabi-sabi kung bakit lumubong ang buong Luzon sa baha na dulot ng kambal na bagyo ngunit kung ano man iyon, hindi na natin ito pahahabain pa. Ang sinasabi ng mga dalubhasa ukol dito ay may isang ugat sa lahat kung bakit ito nangyayari satin at ito ay dulot ng tinatawag na climate change na sanhi ng malawakang global warming.

Kung ito`y may katotohanan, napakalinaw na ang may gawa ng mga kalamidad na ating tinatamasa sa kasalukuyan ay gawa nating mga tao. Ano ang aming sinasabi? Sinasabi namin na ang ating mundong tinitirhan ay masyado na nating inaabuso. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang mga bagay na ginagawa nating mga tao kung papano natin ina-abuso ang ating Inang Kalikasan. Alam na natin ang mga bagay na ito; kahit alam na nating makakasira at makaka-apekto ng masama sa ating kalikasan ay nagpapatuloy pa rin tayo. Sa larangan ng syensya sa ngayon, pinatunayan na hindi lamang, ang ating mga pisikal na pang-aabuso ang nagdudulot o ang sanhi ng Global Warming bagkus kanilang pinatunayan na maging ang ating Kaisipan o kung papano tayo mag-isip (thought form) ay may malaking epekto sa ating kalikasan at dito sumusuporta ang talata sa bibliya sa panahon ng dakilang baha. (Gen. 6:5)

Aming hahatiin ang mga kalamidad sa dalawang factors kung bakit ito nangyayari sa atin.

1) Normal Calamities o Natural Calamities – kung saan ang mga kalamidad ay normal na nagaganap base sa kanilang natural structure o ang kanilang natural na pag-eevolve sa mundong ibabaw.

2) Abnormal Calamities – kung saan ang mga kalamidad ay abnormal na nagaganap ay ito`y base sa ating mga nakaraang aksyon o mga maling desisyon sa nakaraan. (wrong thoughts, words, & deeds) at minsan ito`y tinatawag rin na Psycological Calamities.

Sa Normal Calamities ay wala tayong magagawa dahil ito ang itinakda ng panahon at ng kalikasan at ito`y tinutukoy minsan ng mga relihiyosong tao bilang kagustuhan ng maykapal ngunit sa Abnormal Calamities o Psycological Calamities ay malaki ang ating magagawa sa mga kalamidad na ating kahaharapin sa hinaharap dahil tayo mismo ang may gawa o may likha ng mga ito kaya tayo ring mga tao ang may karapatan upang hindi ito maganap o mangyari sa atin. Sa ngayon alam na natin ang mga ibat-ibang hakbangin upang malabanan ang global warming sa pisikal na pamamaraan o sa pamamagitan ng pagkilos at pag-gawa, at tayong lahat ay aware na sa mga bagay na ito. Ngayon aming ihahayag kung papano natin lalabanan ang Global Warming na dulot ng psychological calamities na syang mas mabilis magmanifest o mag-resolba kesa sa mga pisikal na pag-aksyon.

Sinasabi na para malabanan ang mga kalamidad na dulot ng mga negatibong pag-iisip(negative thought form) ay dapat lang nating baliktarin ang polarity upang ma-neutrilize ang mga ito. Tignan ang litrato sa kanang bahagi. Dapat lang mag-balance ang negative at positive thought form upang magkaroon ngbalance ang ating ecosystem. Kapag may in-balance sa ating mundo dito nagaganap ang mga catastropiya na ating tinatamasa, at para maibalik natin ito sa tamang balance, ang sabay-sabay nating pagdama ng mga positive thoughts tuwing Alas-Otso ng Gabi (8 O`clock PM) ang siyang susi upang malabanan natin ang mga kalamidad na ating kinakaharap na dulot ng global warming at ito`y base sa pag-aaral ng mga siyentipiko.

Ang sabi ng ilang relihiyosong tao, ito`y kagustuhan ng may-likha. Nabanggit ko na noong una na ito`y hindi iniibig ng Diyos sapagkat hindi niya ito kinalulugdan sapagkat ang Diyos ay makatuwiran at mapagmahal na Diyos papano nya magagawa ang mga ito sa atin. Sa aklat ng karunungan ni Solomon ay malinaw na sinabi na ang kamatayan (death) ay hindi kagustuhan ng Diyos (karunungan ni Solomon 1:12-13).

"Huwag ninyong hanapin ang inyong kamatayan sa pamamagitan ng mga masasamang gawa. Huwag kayong sumuong sa kapahamakan na kayo rin ang may gawa. Ang kamatayan ay hindi likha ng Diyos"

Kaya hindi makatuwiran na sabihin o isipin man lang natin na ang mga kalamidad na ating tinatamasa ay kagustuhan ng Diyos. Isang kalamidad na maraming buhay ang namamatay, isang kalamidad na maraming inusenteng tao ang nadadamay. napaka-linaw na ito`y kagustuhan nating mga TAO at ito ang ating piniling landas ayon na rin sa freewill na ibinigay sa atin ng Diyos.

Ngayon amin kayong iniimbitahan upang tumulong upang ibalik ang balanse ng ating ecosystem, kelan pa tayo kikilos kung hindi ngayon, kapag huli na ang lahat, kapag ang 50% ng buong Pilipinas ay lubog na sa tubig baha? Kapag marami ng mga namamatay? Kapag marami nang nagugutom? Kelan pa? ang hinihingi lamang namin ay 7 minuto ng inyong oras. Tandaan nyo na noong bagyong ondoy ay umulan ng walang patid sa loob ng 9 na oras. Paano kaya kung ang ulan na dulot ng climate change ay umabot ng isang araw, o isang linggo, o isang buwan? Isipin nyo nalang ang magiging dulot nito sa atin kung tumagal ang ulan ng ganito katagal, na tayo rin mismo ang may gawa.

Muli, kayo narin mismo ang mag-isip ukol sa mga kalamidad na ating kinakaharap sa kasalukuyan at muli ang inyong hangarin na tumulong sa ating suliranin ukol sa global warming ay napakalaking bagay para sa ating inang kalikasan upang maibalik natin ang balanse ng ating ecosystem. Ito`y sa loob lamang ng 7 minuto tuwing alas-otso ng gabi (8-8:07PM manila time)

Paalala:

Ang mga bible verses na inihayag ng aming grupo ay walang kaugnayan sa anumang grupong pang-relihiyon. Ito`y iniugnay lamang namin upang mabigyan linaw na ang climate change ay gawa ng tao at ito`y hindi kagustuhan ng may-kapal. Hindi namin layunin na baguhin ang doktrina ng ibang grupong pang-relihiyon at sariling paniniwala ng mga tao ukol dito.

Peace Not War

Kasaysayan ng Pilipinas

Espanyol

Batay sa ating kasaysayan, noong 1521 ay naitala ang unang mananakop ng ating bansa sa pamumuno ni Ferdinand Magellan. At hindi nag-laon ay kanila tayong nasakop at naitatag nila ang kanilang pamahalaan noong 1565 sa pamumuno ng isang Gobernador Heneral na siyang kinatawan sa Hari ng Espanya. Tayo ay nasakop at napailalim sa kanilang pamamahala nang may tatlong daan at tatlumpu`t tatlong taon (333 years)

Marami ang nag-alsa sa pamahalaang espanya. Nanguna sa pag-aalsa ang mga taga Manila, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Laguna na siyang walong lalawigan na nag-himagsik laban sa pamahalaang espanya.

At noong Hunyo 12, 1898 ay naideklara ang ating kalayaan sa Kawit, Cavite sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kalayaan na matagal na ipinag-kait sa ating mga ninuno at kasabay nito sa unang pagkakataon ay naiwagayway ang ating watawat ng may dangal na sumisimbulo ng ating Kalayaan at Pagbabago


Amerikano

Sa pagkatalo ng mga espanyol noong 1898, ang kalayaang ating minithi ng mahabang panahon na ating tinamasa ay panandalian lamang, sapagkat sinakop tayo ng mga amerikano. Nagkaroon ng kasunduan sa Paris sa pagitan ng pamahalaang espanya at pamahalaang amerikano at inilipat ng espanya ang pamamahala o kapangyarihang mamuno sa mga amerikano.

Itinatag nila sa ating Bansa ang pamahalaang militar at hindi nag-laon ay napalitan ito ng pamahalaang sibil. At ito`y nagustuhan ng ilang Pilipino sapagkat nagkaroon tayo ng boses at pagkakataong makilahok sa pamamalakad ng pamahalaan; na hindi tulad ng pamahalaang espanya, tayo`y itinuturing bilang alipin at dayuhan sa sarili nating Bansa.

At noong pinag-tibay ang batas Tydings-Mcduffie na siyang batas na nagkaroon nang pag-asa para sa mga Pilipino na magkaroon ng sampung taong transisyon sa pamahalaang commonwealth sa pamumuno ni Manuel Luis M. Quezon at ito`y nagsimula noong 1935 hanggang 1944.

Gayunpaman marami sa ating kapwa Pilipino ang tutol sa ipinapakita ng mga dayuhan at ang kanilang pakikipag kaibigan sa atin. Marami ang nag-aklas sa mga kapatid nating mga Kristiyano at gayundin sa mga kapatid nating mga Muslim, isa na rito sina Datu Hassan, Nakip Amil, Sariol, Datu Tahil, Jikiri, at Sumungsong.


Japanese

Bago pa man natin matapos ang sampung taong transisyon ng pamahalaang commonwealth noong 1944, ay natigil ito noong 1942 sapagkat sinakop tayo ng pamahalaang hapon at noon ang pamahalaang amerikano na siyang humahawak sa atin ay hindi handa sa pakikipag-laban kaya ang ating bansang pilipinas ay tuluyang bumagsak sa pamamahala ng mga hapon.


Ikalawang Republika ng Pilipinas

Hinangad ng bansang hapon na palawakin ang kanilang nasasakupang teritoryo at kasama ang ating bansa sa kanilang pag-sakop. At kanilang naitatag ang Puppet Republic, at noong nobyembre 13, 1943 ay inihayag ang ating kasarinlan at naging pangulo ng ikalawang republika si pangulong Jose P. Laurel.

Ikatlong Republika ng Pilipinas

At noong obtubre 1944, bumalik si Heneral Mac Arthur kasama ang kanyang hukbo at tuluyang natalo ang mga kaaway na naibalik ang pamahalaang commonwealth sa Pilipinas at naging pangulo si Sergio OsmeƱia at noong hunyo 4, 1946 ay tuluyan na tayong lumaya sa pamahalaang amerikano, at dito nag-simula ang ating ikatlong republika ng pilipinas at nahalal na unang pangulo si Manuel A. Roxas, sinundan siya ni Elpidio Quirino naging pangulo rin sina Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos.

Nang mahalal na pangulo ng Pilipinas noong 1965 si Ferdinand Marcos ay marami ang nasiyahan ay nagalit sa kaniyang pamamalakad. Ang isa sa kanyang naging plataporma ay maging pantay-pantay ang estado ng pamumuhay ng mga mamamayan sa ating lipunan at gayundin magkaroon ng pantay-pantay na pagkilala sa loob ng ating bansa bakus maging sa labas ng ating bansa.

Ito`y kanyang binigyang diin sa ika-4 at ika-5 na pagpupulong sa UNCTAD United Nations Conference for Trade and Development na ginanap sa Nairobi, Kenya noong Mayo 1976 at Manila noong 1979 at sa Cancum, Mexico (1981) nang maging kinatawan siya ng ASEAN o Association of South East Asian Nations na kanyang sinabi na higit na kailangan nang mga papaunlad na bansa ay ang mga tulong pangkabuhayan at makabagong teknolohiya at kanya muling sinabi sa ibang pagkakataon na kailangan mabigyan ng pantay-pantay na pagkakataon sa pandaigdigang pangkalakalan, tulong sa pangkabuhayan, at ang pagtuturo ng makabagong teknolohiya.

Dahil dito marami sa ating mga kapatid ang tumutol sa kanyang plataporma dahil magkakaroon tayo nang pantay-pantay na estado sa ating lipunan. Ang ibig sabihin nito kung ito ay magtagumpay, wala nang tatawaging mahirap at mayaman Sapagkat ang mga karunungan n g isang mayaman ay pwede na malaman nang isang Juan Dela Cruz na naghihirap upang kanilang magamit sa kanilang pag-asenso sa buhay.

Dahil alam ni Marcos sa una palang ay marami ang tututol dito kaya noong Setyembre 21, 1972 ay kanyang inideklara ang batas militar kung saan ang pamamahala ay awtoritaryan at noong 1973 ay nabago ang saligang batas at ginawang parliamentaryo dahil dito nag-simula na ang pag-aalsa nang ating mga kapatid na Pilipino laban kay pangulong Marcos at ang pag-aalsa ay lalong tumindi nang pinaslang ang dating senador Benigno Aquino, JR.noong agosto 21, 1983 at makalipas ang tatlong taon ay nagkaroon ng isang snap election, ito`y naganap noong pebrero 7, 1986 at ang biyuda ni senador Aquino na si Corazon C. Aquino ang lumaban kay Marcos pagkapangulo ng bansa.

Ika-apat na Republika ng Pilipinas

Hindi nagustuhan ng mga taong bayan ang naging resulta ng elesyon kaya naganap ang People Power Revolution sa EDSA noong pebrero 22, 1986 na siyang nagpa-alis kay pangulong Marcos sa Kapangyarihan. Dahil sa people power naluklok si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng bansa. Sa kanyang pamamahala, muling naitatag ang pamahalaang demokratiko. Binago rin niya ang saligang batas (1987) at naitatag ang Presidential Commission on Good Governance (PCGG) at ito ang simula ng ika-apat na republika ng Pilipinas.

Ipinag-patuloy ng dating pangulong Fidel V. Ramos ang nasimulan ni pangulong Aquino ay siya ay naglingkod noong 1992 hanggang 1998.

At noong hunyo 1998 nahalal pagka pangulo ng bansa si Joseph Ejercito Estrada ngunit hindi niya natapos ang kanyang termino Sapagkat nawala ang tiwala sa kanya ng mga Pilipino sa inihaing impeachment laban sa kanya at muling nagsimula ang panibagong People Power Revolution o EDSA 2 at siya ay napalitan ni pangulong Gloria Macapagal – Arroyo at noong mayo 2004 ay lihitimo siyang iniluklok nang taong bayan pagka-pangulo ng ating bansa.


Komento ng May Akda

Simula sa ating ikatlong republika (1946-1972) hanggang sa ika-apat na republika (1986-present) tayong mga Pilipino ay nagpapatayan laban sa ating kapwa Pilipino. Nagtatag pa tayo ng mga hukbo (hukbong pandagat, hukbong katihan, hukbong himpapawid at hukbong sanayan) para saan ba ang mga ito? Ginawa ba ito upang patayin ang ating mga kapwa Pilipino? Sa tingin ko ito ay ginawa upang hindi na maulit ang nangyari sa nakaraan na tayo`y nasakop nang mga mananakop na dayuhan at upang hindi pumatay nang mga kapwa nating Pilipino, nang dahil lamang sa kanilang maling prinsipyo at pananaw sa buhay.

Nasabi minsan nang ating pambansang bayani Gat Jose Rizal na “ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda”

Batay sa aking pagkakaunawa at pagkakaintindi sa kanyang sinabi, ang wika na kanyang tinutukoy sa talata ay hindi isang lenguwahe o dayalekto bagkus ito`y tumutukoy sa ating mga Pilipino at sa ating bansang Pilipinas at ang malansang isda na kanyang tinutukoy ay ang mga dayuhang mananakop na sumisimbulo ng pang-aapi, pang-aalipusta, at pag-gamit ng kanilang Kapangyarihan

Samakatuwid ang sinumang Pilipino na walang Pagmamahal sa ating kapwa Pilipino at sa ating bansang Pilipinas ay mahahalintulad bilang isang dayuhang mananakop. Ang sabi sa ika-limang talata ng ating pambansang awit ay ganito “aming ligaya, na `pag may mang-aapi ang mamatay ang dahil sa`yo”. Tayong mga Pilipino ay handang pumatay at mamatay para ipagtanggol ang ating kapwa Pilipino at ang ating bansang Pilipinas ngunit nagbago na ito sa kasalukuyan.

Sa tingin nyo kaya MALAYA na tayo? Totoo kaya ang araw ng kalayaan na ating ipinagdiriwang taun-taon o isa lamang ito sa kurtina o maskara ng ating bansang Pilipinas. Malaya man tayo sa mga mananakop na dayuhan, Alipin naman tayo ng ating mga Kapwa Pilipino na syang nagpapahirap kay Juan Dela Cruz. Pansinin nyo ang ating bansang Pilipinas, ano ang inyong napupuna? Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong naghihirap. Ito ba ang kahulugan ng isang bansang demokratiko o ang tunay na kahulugan nito ay nakatago at nakakulong sa mga rehas na bakal ng ating lipunan.

May isang political analysis ang nag-sabi nang ganito “ano ang pinagkaiba ng bansang Amerika sa ating bansang Pilipinas bukod sa pareho itong demokratikong bansa” ang sabi pa niya`y ganito “ang mga mamamayan sa bansang Amerika ay kakaunti lang ang Gap o pagitan ng mga mayayaman at mahihirap samantalang sa bansang Pilipinas ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap. Kayo na mismo ang magsuri at humusga sa kinatatayuan ang ating bansang Pilipinas.

Ang ating pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng kanilang magagawa sa abot ng kanilang makakaya ngunit hindi kayang matustusan ng sabay-sabay ang ating mga pangangailangan. Kailangan nating gumawa ng paraan, pamamaraan na hindi natin kailangan ang anumang armas o sandata at walang kapwa Pilipino natin ang masasaktan at masasawi. Hindi natin kailangang mag-protesta, mag-martsa, o pumunta sa EDSA at magtatag ng panibagong People Power. Kung ano man ang ating tinatamasa sa kasalukuyan maging ito man ay sa ating pamilya, lipunan, o maging sa ating bayan at bansa ay wala tayong dapat sisihin kundi ang ating mga SARILI sapagkat ito`y bunga lamang ng mga maling desisyon o aksyon natin sa nakaraan. Lahat tayo ay may kasalanan kung bakit ito naganap o nangyari sa ating buhay. Kaya sa mataas na pagkaka-unawa, wala tayong karapatan upang mag-reklamo kung ano man ang ating tinatamasa sapagkat TAYO ang may gawa ng mga ito.

Tulad ng nasabi nang dating pangulong Marcos para umunlad ang ating bansa at magkaroon tayo ng pantay-pantay na estado sa ating lipunan ay dapat magkaroon sa ating bansa ng mga pagtuturo base sa modernong teknolohiya at ngayon sa ating kasalukuyang panahon tayo ay nasa teknolohiya ng Kaisipan o mind technology na kung saan tayong mga Pilipino ay magiging isang hukbo tulad ng hukbo ng ating pamahalaan ngunit hindi tayo gagamit ng anumang sandata o armas na makakasakit o makakapinsala sa ating mga kapwa Pilipino, ang magiging armas natin ay ang ating mga hangarin (desire) sa pamamagitan ng ating mga Kaisipan (mind). Ito`y nagpapa-alala sa akin sa isang kanta ng bandang ASIN “kung ako`y may maitutulong, tutulong nang buong puso. Gitara ko`y aking inaalay kung magka gulo`y gamitin nyo. Kung ang kalaban mo`y walang puso, puso narin ang gamitin mo. Ituring mong siyang isang kaibigan, isipin mong sya`y may puso rin katulad mo” Tayong lahat ay may magagawa upang makatulong sa ating lipunan. Sa pamamagitan lamang nang ating sabay-sabay na pagbabago ng diwa at damdamin tuwing alas-otso ng gabi (manila time).

Ito ang ilan sa kinakaharap na problema nang ating pamahalaan. Tignan nyo at pag-aralan.

Krimen: aksidente sa lansangan, patayan, holdapan, pang-gagahasa (rape), pang-aabbuso sa kapwa tao, paggamit ng ipinagbabawal na gamot (drugs) at iba pa.

Sa mamamayan: pabahay sa mahihirap, murang gamot, libreng edukasyon, patubig, trabaho para sa manggagawa, at iba pa.

Kalamidad: pagbabago ng panahon (climate change), baha, lindol, bagyo, tsunami, landslide, at iba pa.

I to ay ilan lamang sa mga problema na nilulutas nang ating pamahalaan. Meron tayong magagawa para rito, imbes na tayo`y mag-rally at pumunta sa EDSA at ihayag ang ating mga saloobin, wala rin namang mangyayari bagkus kung gusto nyo nang pagbabago. Baguhin natin ang ating mga sarili (panloob na katauhan) at ito ang teknik o pamamaraan na magpapabago sa ating buhay at ating bansa sa loob lamang ng pitong minuto tuwing alas-otso ng gabi (7 mins/day)

Paunawa:

Ang Kasaysayan na aming inihayag ay nagmula sa iba`t-ibang aklat pang-kasaysayan, hindi namin binalak angkinin o ariin ang kanilang karatapang pag-aari bagkus nais lamang namin manariwa sa isipan ng mga mambabasa ang ating kasaysayan. Kami po ay isang indibiduwal na may hangad maitaas ang estado ng ating pamumuhay at nagnanais ng pagbabago sa pamamagitan ng matamihik at payapang pamamaraan. Wala kaming sinusuportahang grupong Pampulitikan, o maging grupong Pang-Relihiyon.

Ang kumento ng may akda ay batay sa kaniyang sariling pag-aaral, opinyon, at obserbasyon na aktuwal na nagaganap sa ating buhay. Hindi hangarin ng may akda na gumawa ng isang hukbo pang-digmaan na makakasakit o makakapahamak sa sinuman bagkus isang hukbo na gamit lamang ang ating mga hangarin at Kaisipan. (desire & mind) na syang magdadala sa atin ng minimithing kapayapaan at pagbabago.